Bakit SNOB si CRUSH?
Lahat tayo may CRUSH! At halos lahat ng may CRUSH laging
NASASAKTAN kasi nga SNOB si CRUSH!
Yung tipong gagawin natin lahat, sumayaw, kumanta, tumawa ng
malakas, umiyak ng peke, sumali sa lahat ng contest, pero takte! Ang tindi! Di
tayo pansin ni crush! Kumbaga manhid! Kasi kahit anong paramdam natin di tayo
nararamdaman! Kahit anong papansin natin di tayo napapansin! Daig pa niya yung
nacomatose na walang maramdaman. >_< Pero totoo kayang di nila tayo
talaga napapansin or kunware dilang tayo pinapansin? Yung tipong nagpapa hard
to get sila. Yung sila yung tipo ng taong gustong gusto na may nagkakandarapa
sa kanila at feel naman nila yun, so di sila namamansin?
Karamihan sa atin ang problema natin ay kung kelan tayo
papansinin ni Crush. Sa tingin mo ba sa halos araw araw na pagpapansin mo sa
kanya di ka niya mapapansin? Napapansin ka niyan, pa hard to get lang.
karamihan din kasi lalo na sa mga lalaki ay ayaw nila na mga girls ang gumagawa
ng first move. Nakakababa ng self esteem sa kanila. Naaapakan ego nila. Pero
kong hahayaan nating sila ang gagawa ng first move baka nganga tayo forever. So
gagawa tayo ng first move at hayaan na silang gumawa nung second move and rest.
At ang mga babae naman nahihiya silang pansinin yung mga taong may crush sa
kanila ay dahil baka joke joke lang yun. Karamihan kasi sa mga babae ang may
pagka negative. Yung tipong may malalaman silang may nagka crush sa kanila,
syempre matutuwa sila pero jan di lumalabas yung pagiging nega nila. Yung tipong
kukwestiyunin mga kaibigan nila na “Totoo kayang crush ako ni ano? Baka naman
dahil lang sa maganda ako? Sa katawan ko? dahil sa matalino ako at kelangan
niya ng taga gawa ng project, assignment? O baka naman nalilibugan lang siya?” hindi
maiiwasan sa mga babae ang magi sip ng ganito. Lalo na yung mga babaeng pa
conservative. Pero yung mga babaeng alam na. go lang ng go. Karamihan lang sa
snob ay mga lalake! Jusko! Madami din kasing mga lalaki ang perfectionist. Gusto
nila perpektong babae. Mga magaganda, slim ang katawan, maputi. Basta parang
dyosa ganun. At may mga lalaki ding pag nalamang crush mo sila ang yabang na.
Akala mo na kung sino. Ayun turn off ang peg mo. >_<
Hindi malayong hindi malalaman ni crush na crush natin siya.
Kung sa halos araw araw, sa bawat galaw niya sinusunda mo malamang malalaman
niya yun. Hindi lang siya namamansin dahil baka isipin niyang nag ka crush ka
sa kanya dahil gwapo/maganda siya. Matalino. Mayaman. Pero kahit ganun deep
inside tuwang tuwa sila kasi may nagkaka’crush sa kanila. Hindi lang sila
pahalata pero kinikilig din sila sa kaloob looban nila pag nalaman nilang may
nagkaka crush sa kanila. Galing nilang magtago ng kilig no? Ano kayang gamot ng
mga ganun? Mga di showy? :D At higit sa lahat may sari-sarili na silang rason
kung bakit di sila namamansin at kung bakit di nila masuklian yung feelings mo.
Baka may gf/bf, bakla/tomboy, nahihiya manligaw, may prinsipyo sa buhay (aral
muna bago lovelife), walang forever baka maghiwalay lang kami sa huli. Isipin nalang
natin na siguro darating din yung time na magiging mutual din yung feelings
niyong dalawa. Fight lang ng fight. :D papansin ka lang ng papansin hanggang sa
pansinin ka at sabihang “Wag ka ngang
papansin. Nakakairita.” Charot sana naman wag ganun ka harsh si
crush. At kung mangyari man sayo yan tawanan mo sabihin mong “Sa’yo ba ako nagpapansin?” pahiya yun. Mas
lalong dika papansinin. Hahaha :D
Basta ang payo ko lang mga bes pren ay wag mawalan ng pag asa
hanggang mapansin ka ni crush. Si Nam nga ng Crazy little thing called love
napansin ni Shone eh, noong hindi pa siya gumanda napansin na siya ni Shone,
pero may rason si Shone, diba? Torpe siya eh. Kaya isipin na lang natin ng baka
torpe si Crush. So kelangan nating gawin yung isang pinaka importanteng bagay
ang MAGTANONG at MAG CONFRONT. Confidence lang kelangan niyan. Tanungin natin
sila nung mga bagay na gusto nating itanong then confess your feelings. Walang mawawala
sa’yo kung magtatapat ka man. Kung basted ka, edi tanggapin mo ganyan ang buhay.
Wag mong isiping naapakan ang pride mo, dahil kung may gusto ka talaga sa isang
tao hindi na importante ang pride basta ang mahalaga masabi mo yung totoo mong
nararamdaman. Para wala kang pagsisihan bukas. It is better to try than to
regret it later. Walang mawawala kung susubok ka. Wag kang matakot magbaka
sakali. Kung gusto mong pansinin ka ng taong gusto mo. Kung gusto mong pansinin
ka ng crush mo, sabihin mo na ngayon ang nararamdaman mo para wala kang
pagsisihan sa huli. At baka mutual na pala yung feelings niyo, tapos pinalagpas
mo pa yung opportunity, edi ayun nakahanap ng bago at ikaw na ay bigo.
-jeiara-
No comments:
Post a Comment